Historical & Mythological Short Fiction

Ink of Ages Fiction Prize

World History Encyclopedia's international historical and mythological short story contest

Unang Patimpalak 2024

Sallyann Halstead

Pagbati kay Sallyann Halstead, na ang maikling kuwentong “Mga Bilog sa Buhangin” ay nanalo ng unang patimpalak sa 2024 Ink of Ages Fiction Prize, isang kompetistyon sa makasaysayan at mitolohilkal na maikling kuwento  na pinamamahalaan ng World History Encyclopedia at bukas-palad na inisponsor ng Oxford University Press.

 ni Sallyann Halstead, isinalin ni Claizza Regalado

See other languages available

Mga Bilog sa Buhangin

Si Archimedes ang dapat sisihin. Siya ang nagpasimuno ng lahat ng ito, ang buong kakaibang kuwento. Ngunit siya ay nasa simula ng lahat ng kanilang mga kuwento, sa isang banda. Gaano man kalayo ang kanilang nilakbay, anuman ang landas na kanilang tahakin, ang kanilang mga paglalakbay ay nagsimula sa parehong punto. Kasama ang isang matandang lalaki at iyong mga bilog sa buhangin.


Nakapatong ang liham sa kanyang mesa, dalawang linya ang nakasulat sa puting papel. Ikinalulungkot naming ipaalam … Wala na ang isa pang kaibigan. Isa nanamang nag-aalab na bituin ang naglaho sa dilim. Bumalot ang kalungkutan sa kanya, matalas at pamilyar. Gaano man kalaki ang nawala sa iyo, tila laging mayroong natitira pa upang maglaho. Ilang taon na ba mula noong unang sulat na iyon? Dalawampu't pito, dalawampu't walo? Nag-uunahan ang mga numero sa kanyang isipan. Siya ay tumatanda na. At si Auguste LeBlanc ay patay na.

Marahil ang mabigat na amoy ng mga rosas ang nagpaparamdam sa kanya ng pagkahilo. Isang bubuyog ang nagpaikut-ikot sa mga talulot, ang huni nito ay nakikipagsanib sa walang katapusang daloy ng mga salita. Ang argumento ng perihelion ... ang longhitud ng pataas na daan... Ang huni ay lumakas pa, at nilunod ang mga salita. Pagkatapos ay nasa silid ang bubuyog, gumagawa ng daan malapit sa kanyang mesa at gumagawa ng isang magiliw na pag-ikot sa paligid ng mga buwan ng Jupiter bago lumapag sa ibabaw ng araw. Ang ating dakilang bituin, naisip niya, na natatakpan ng isang bubuyog. Iniunat niya ang isang maingat na daliri patungo sa maselang mekanismo, naghahanap ng ligtas na daan patungo sa mga munting ginintuang mga planeta upang sikuhin ang maliit na selestyal na bagay pabalik sa paglipad. Tumigil siya sandali, katulad ng ginagawa niya sanlibong ulit na noon pa, inilapat ang marahan na dulo ng daliri sa pinakamaliit na planeta. Ang bagay na napapabilang sa kanya.


Ang paghawak ay nagpabalik sa kanyang isipan sa nakatatakot na araw ng taglagas, isang-kapat ng isang siglo ang nakalipas. Unang araw ng Nobyembre, 1806. Paano niya makakalimutan? Ipinikit niya ang kanyang mga mata, unti-unting naglalaho ang amoy ng mga rosas…

Muli siyang nasa maliit na silid-aralan ng kanilang maliit na bahay sa Brunswick, blangkong nakatingin sa hamog. Naghihintay sa nakaambang panganib. Hindi niya inilihim ang kanyang pagkamuhi kay Napoleon.

Isang kahila-hilakbot na katahimikan ang bumalot sa lungsod mula noong Pananakop. Ang hukbo ng Prussian ay natalo sa Auerstadt dalawang linggo ang nakararaan, ang kanilang minamahal na Duke ay malubhang nasugatan. Inilikas niya dapat ang kanyang bagong pamilya at tumakbo. Pero saan kaya sila pupunta? Ito ang kanyang tahanan, ang Duke na ama na ang turing  niya higit pa sa kanayang tunay na ama.

Kusa niyang sinulyapan ang maliit na oreri sa kanyang mesa. Wala itong praktikal na gamit, na napakalaki ng sukat, ngunit hindi ito mahalaga. Ibinigay ito ng Duke sa kanya matapos niyang matuklasan ang Ceres, ang maliit na planeta, ang kanyang unang tagumpay.

Sa isang lugar sa ibaba niya ay inaawitan ni Johanna ang isang sanggol. Ang katulong ay nagkakalampag ng mga kaldero; ang mga tunog ng karaniwang buhay, umiikot pa rin ang mundo. Nag-aksaya siya ng sapat na oras. Ipinatong niya ang isang daliri sa maliit na planeta at bumalik sa trabaho.

Siya ay nasa kasagsagan ng isang dakilang pagtuklas. Isang pambihirang tagumpay na maging siya ay may mga pag-aalinlangan. Ang mismong pag-iisip ay katumbas ng maling paniniwala. At gayon pa man ... kapag nandoon na ito, ang ideya ay hindi na bibitaw. Paano kung nagkamali si Euclid? Kung higit sa isang linya ang maaaring dumaan sa sikat  na tuldok na iyon sa isang partikular na linya? Ang puwang na iyon mismo ay maaaring kurbado. Ang mga posibilidad ay magiging makabuluhan.

Hindi nagrehistro ang tunog noong una. Malalim na siya sa sarili niyang mundo, isang lugar ng mga maselang istruktura at tore ng mga numero. Ngunit lumakas pa ang ingay na bumabagsak sa kanyang isipan. Lalong lumakas ang sagupaan ng mga bota sa mga malaking karbon sa kahabaan ng bakanteng kalye. Hanggang sa kumatok siya sa pinto at hindi siya natigilan, ang sanggol ay sumisigaw sa isang dako sa bahay sa likuran niya habang siya ay umaakyat sa dalawang hagdan sa isang hakbang. Nasulyapan niya ang mala puting tisa na mukha ng dalaga bago niya ito itinabi, huminga nang malalim at binuksan ang pinto.

Apat sila, isang opisyal at tatlong lalaki, pawang armado. Ito ay kung paano ito natapos. Ito ay halos isang kaluwagan upang makumpirma ang kanyang matinding ikinakatakot.

‘Herr Doctor Gauss?’ Inalis ng opisyal ang kanyang sombrero at yumuko. 'Colonel Durand, Sixth Battalion sa iyong serbisyo. Isang karangalan na makilala ka, ginoo. Maginhawa ba para sa iyo kung mag-uusap tayo sa wikang Pranses?’

'Oo, siyempre,' sagot niya, nagulat.

'Hiniling sa amin na tiyakin ang iyong kaligtasan sa mahirap na oras na ito. May tiwala ako na maayos ang iyong lagay at ng pamilya mo?’

‘Paumanhin,’ sagot niya. 'Sino ang nagpadala sa iyo?'

'Mismong si Heneral Pernety ang humiling sa amin na bumisita, Herr Doctor. Mapilit siya.'

'Sigurado ka ba na tamang tao ang pinuntahan mo?'

Bahagyang lumipat ang mga mata ng opisyal, sa direksyon ni Johanna, na tumayo sa likuran niya, ang sanggol ay humihikbi sa kanyang balakang. Bahagya siyang sumandal.

'Nagsasalita ba ng Pranses ang asawa mo?'

'Kaunti. Bakit?'

Bahagyang umubo ang opisyal. Sinabi ng heneral na ang kaibigan mong binibini, ginoo, ang nasa Paris, ay nag-aalala para sa iyong kaligtasan. Hiniling na bigyan ka ng espesyal na proteksyon.’

‘Kung gayon mayroong pagkakamali. Tinitiyak ko sa iyo na wala akong kaibigang babae sa Paris, bata man o iba pa.'

Muling bumalik ang tingin ng lalaki kay Johanna. 'Siyempre hindi, Herr Doctor. Mangyaring tanggapin ang aming paumanhin para sa abala. Magpapadala ako ng patrol kada araw sa anumang kaso. Ang utos ay utos!’

Yumuko siya at pinalitan ang kanyang sombrero. Sumunod silang lahat s autos at at tumalikod para umalis. Pagkatapos ay tumalikod ang opisyal. 'Halos nakalimutan ko,' sabi niya, sabay abot sa loob ng jacket niya. 'Para sa iyo ito, ginoo. 

Siguradong hindi galing Paris,’ dagdag niya, sabay kindat.Isang oras bago bumukas ang punto ng silid-aralan sa kanyang likuran. Nakaupo siya sa kanyang mesa, hawak parin ang liham.

‘Si Joseph?’ tanong niya, nang hindi lumilingon.

'Tulog na, sa wakas. Ngayon, sabihin mo sa akin. Desperado akong makarinig ng higit pa tungkol sa kaibigan mong babae sa Paris.'

Nilingon niya iyon. 'Akala ko ba hindi ka nagsasalita ng wikang Pranses?'

Ngumiti ito sa kanya. ‘Sapat  ang pagkakaintindi ko. Ang ganoong uri ng kindat ay pareho sa anumang wika.'

Inabot niya ang sulat sa kanya at kinuha niya ito mula sa kamay niya. Nakita niya ang labis ma pagkamangha sa mukha nito habang nagbabasa.

'Tama ba ako? Totoo kaya ito?’

‘Pakiwari ko.'

‘Sa lahat ng oras na ito, hindi ka nakikipag-usap kay Augustes LeBlanc?'

Umiling siya.

'Sa katunayan ay sumusulat ka sa isang babae?'

'Ang kanyang pangalan ay Sophie Germain, tila ba' sabi niya. ‘Ang paggamit ng pangalan ng lalaki ang tanging paraan para makapag-aral siya. At hindi ko ito nakita. Dapat ay nahulaan ko,’ dagdag pa niya habang humihinga. ‘Yung mga maliliit na pagkakamali ay nandoon na sa simula. Dapat nakita ko ang pattern.

Nanliit ang mga mata ni Johanna. 'Dahil hindi siya matalino kaysa sa iyo?'

Inabot niya ang isang kamay, hinila siya sa kandungan niya. 'Hindi iyon, Jo. Pantay ang pagtingin naming sa isa’t-isa. At ang kanyang narating ay kahanga-hanga dahil sa mga balakid na kanyang kinaharap. Ngunit siya ay ganap na nag-aral sa kanyang sarili- ang ilang mga puwang ay hindi maiiwasan. Ano na ngayon?'

Ang madilim na mga mata ni Johanna ay namumula sa pagtawa. 'Kaya, kung ano ang inaamin mo, sa katunayan, ay mayroon kang isang kaibigang binibini sa Paris?'

Pilit ang ngiti niya. 'Ipagpalagay ko. Nagseselos ka ba?’

‘Hindi. Pero dapat nakita mo ang mukha mo nang magsalita ang opisyal na iyon tungkol sa iyong petite amie. At ito ay totoo sa lahat ng oras ...'

Yumuko siya para halikan siya, ngunit umiwas ito. "Kailangan kong tingnan si Joseph. Marami tayong oras – ngayon ay hindi ka na dinadala sa bilangguan.'

Nakatingin siya sa sulat nang huminto ito sa pintuan. 'Ang hindi ko pa rin maintindihan,' sabi niya, 'ay kung ano ang kinalaman ni Archimedes dito? Paanong kasalanan niya? Dalawang libong taon na siyang patay.'


‘Isang libo, limang daan at siyamnapu’t apat,’ agad niyang itinama. 'Palagi itong tungkol kay Archimedes, sa huli. Doon nagsimula ang kwento ni Sophie. Nabasa niya ang kuwento ng pagkamatay ni Archimedes sa silid-aklatan ng kanyang ama. Alam mo ba? Ayon sa kuwento isang Romanong Heneral ang nais makita si Archimedes at nagpadala ito ng sundalo upang sunduin siya. Ngunit ang matanda ay abala sa isang problema na kanyang ginuguhit sa buhangin at nang tumanggi siyang umalis, nagalit ang sundalo at binunot ang kanyang espada. Ang kanyang huling mga salita, ay Noli turbare circulos meo. "Huwag istorbohin ang aking mga ginuhit na bilog." '

'Gayunpaman,' sabi niya, sabay iling, 'ang aral na napulot ni Sophie mula sa kuwento ay na kung handa kang mamatay para sa matematika ay handa siya para mabuhay para dito.  Sumandal si Johanna sa pinto at humalukipkip.

'Ang aral na nakukuha ko sa kuwentong iyon ay ang matatalinong lalaki ay hindi palaging tuso.'

‘Talaga,’ sabi niya. 'Buweno, kung iyon lang-'

Yung hindi ko pa rin maintindihan,’ naputol ang sasabihin niya, ‘kung bakit niya ito binanggit ngayon…’ Nanghina ang boses niya. 'Oh hindi.'

'Narinig ko ba si Joseph?'

‘Yun lang, hindi ba?’ sabi ni Johanna, nagdire-diretso. Iyon ang nagtulak sa kanya sa pagtatago, pagkatapos ng lahat ng ito? Naisip ni Sophie Germain na ikaw ay isang modernong Archimedes. Nanganganib na mapatay sa aming karpet dahil naabala ka …’ Huminto siya, at tumawa nang napakalakas. ‘At ang malala pa rito ay hindi siya ganap na mali.

Gaano katagal bago mo napansin na darating ang mga sundalo?’

Itinaas niya ang kanyang mga kamay, kinikilala ang isang tama, at tumawid siya sa silid upang halikan ang kanyang noo.

 ‘Alam mo,’ mahinang sabi niya, isinandal ang kanyang noo sa noo niya, ‘dapat mong isantabi ang iyong mga numero nang mas madalas …’

Naglalaho ang kanyang tinig. Sinubukan niyang hawakan siya ngunit tanging hangin lang ang laman. Ang amoy ng mga rosas ay bumalik, masakit at napakalakas. Natagpuan niya ang kanyang sarili na bumubulong, paulit-ulit, pakiusap huwag mo akong iwan, pakiusap huwag kang umalis ...

'Herr Professor? Dr Gauss – ayos lang kayo?’ May nag-aalalang ekspresyon sa mukha ng estudyante. ‘Nakatulog ka ba? Nag-aalala ako.'

‘Hindi,hindi. Maayos lang ako. Umubo siya at inayos ang kanyang sarili. Gusto niya lamang maiwang mag-isa. 'Wag kang mag-alala, magiging maayos din ako.'

Hinintay niyang magsara ang pinto saka muling kinuha ang liham. Dalawang maiikling pangungusap na nagtago sa mundo ng sakit. Kanser sa suso, sabi nito. Panganganak ang dahilan ng pagkawala ni Johanna. Marami kaming oras, sabi nito. Ano kaya ang gagawin namin kung alam naming na tatlong taon na lamang ang ang natitira naming oras? At mag-iiba na ang lahat pagkatapos niyang mawala.

Nagkamali din siya tungkol kay Sophie. Labis silang magkaiba. Natutuwa siyang gumawa ng mahusay na mga hakbang sa kadiliman, naglalabas ng mga ideya na kumpleto  na may halong mga mali, samantalang hindi siya maglalathala ng anuman hanggang sa ito ay walang kamali-mali. At saan siya dinala nito? Ang mga kamakailang pagtuklas ni Lobachevsky sa non-Euclidian geometry ay binagyo ang mundo at binago ang mukha ng agham. Ito ay halos pareho sa gawain na hindi nai-publish, sa kanyang sariling talaarawan sa nakalipas na dalawampu't limang taon. Kung mayroon lamang siyang kaunti ng kanyang kawalang-takot, ang kanyang pagpayag na magkamali. Ano kaya ang naabot niya kung magkakaroon siya ng mga pagkakataon katulad ng mayroon siya? Ano ang magagawa niya kung ipagsapalaran niya ito?

Ngunit anong saya ang kanilang pinagsaluhan, siya at si Sophie. Alam nilang pareho na hindi sagot kundi paghahanap ang mahalaga, na ang bawat pagtuklas ay isang hakbang lamang patungo sa susunod na hamon. Walang kahirap-hirap siyang lumipat kasama niya sa kabilang mundong iyon.

Sa kabila ng bintana, ang bukang-liwayway ay nagiging takipsilim. Sa labas ng patyo, nagsimulang umawit ang isang uwak. Walang kamalay-malay, ang kanyang isip ay nagsimulang inuuri ang mga ritmo, sinusuri ang mga pag-uulit. Hinahanap ang hugis sa ilalim ng kanta.

At saka siya tumigil. Umupo muli sa kanyang upuan at pinakinggan ang matingkad na mga nota sa hangin. Ito ay sapat na.

Ang langit ay nagiging indigo ngayon. Nakita niya ang unang maliwanag na bituin na lumitaw sa kagiliran, napakaliwanag laban sa asul. Mag-isa ito, ngunit ang iba ay susunod, sa tamang panahon.

Paalam, Sophie, mahina niyang sabi. At sinara ang bintana.



Ink of Ages 4: First impressions from the judges
Ink of Ages 3: The stats, while you’re waiting
Ink of Ages 2: Self-editing 101
Ink of Ages 1: What are judges looking for anyway?